The Ministry
Kasaysayan

Ang Youth Alive ay umusbong mula sa isang maliit na grupo ng mga kabataan na hinubog ni Sis. Sallie Orbigo at Fr. Daniel Strickland (na noon ay seminarista pa lamang). Isang Bible Study ang kanilang sinimulan sa Kapilya ng Banal na Puso (BNP), Batasan Hills Quezon City noong Summer 2005. Ang layunin ng Bible Study na ito ay mapatibay pa ang pananampalataya ng mga Kabataang BNP. Ilang buwan matapos ang Summer Bible Study, isang World Youth Day Experience ang ibinahagi ni Fr. Daniel sa kanyang pagbabalik mula sa WYD '05 sa Cologne, Germany.

Sa sumunod na Tag-init, taong 2006, isang Summer Program na may Life in The Spirit Seminar ang umusbong. Magmula noon, ang Youth Group sa Kapilya ay nagtitipon-tipon sa bawat Unang Sabado ng Buwan. Ang Summer Program naman ang nagsisilbing Peak Event. Hindi nagtagal, hinawakan ng Missionaries of God's Love ang youth ministry at kanilang tinawag ito na Youth Alive.

Ang Youth Alive, ngayon, ay naglalayon na humubog ng mga kabataan patungo sa patuloy na paglago ng kanilang pananampalataya.

 


Vision
 

 

Ang mga kabataan ng Youth Alive ay tumutugon sa paanyaya ni Pope Benedict XVI sa WYD 2005 na maging mga "misyonero sa isang mundong nakakalimot na sa Diyos."

 

 

Layunin ng Youth Alive na mahubog ang mga kabataan sa isang mas malalim na pagkakaunawa ng kanilang pananampalatayang Katoliko. Ito ay sa pamamagitan ng pamumuhay sa daan ng apat na Haligi ng Simbahang Katoliko: Pananalangin, Salita ng Diyos, Sakramento at ang mga Utos.

 

 

 

 

Ang mga kabataan ay tutulungan na magkaroon ng isang personal na pakikipagrelasyon kay Hesus sa ilalim ng Baptism in the Holy Spirit upang sila ay maging mga mabubuti at epektibong Disipulo ni Hesus. Layunin ng Youth Alive na ang mga kabataan ay mas makilala, mas mahalin at mas paglingkuran si Hesus sa kanilang pangaraw-araw na buhay.

 

 
YA Chat
 
Makipagusap na sa mga
Youth Alive-ers na online din!
Bumisita sa

YA Chat Room
Oktubre
 
Okt 24, 2010
YA General Gathering

Pumunta sa "Programs and Events"
Navigation para sa
karagdagang impormasyon.
Missionaries of God's Love
 
Tinatawag ka ba sa Religious Life (Pagpapari o Pagmamadre?)
Bisitahin ang Official Website ng
Missionaries of God's Love!

 
Today, there have been 5 visitors (6 hits) on this page!
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free